PANAMBITAN
(Tula/Bikol)
Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng
“Panambitan” ni Myrna Prado
Bakit kaya dito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan.
Mga mahihirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
May kapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang-na-loob mula sa mahirap.
Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip tulungan, tinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi’y lalong managana.
Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao’y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo’y naririto
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento